2 dalagita pinilahan ng 5 adik sa Cotabato

DAKIP ang limang lalaki makaraang gahasain ang dalawang dalagita sa North Cotabato.

Dinakip ang mga suspek sa isang boarding house sa Matalam St., Poblacion, Kabacan na kinilalang sina  Jefrey Bunod Bautista, 24; Norudin Dimaporo, 18; Datu Rudy Pedtukasan Mamacan, 20; Sam Ali Datu Ali at Dats Bulilo Gumantong, 19.

Nabatid na pinagtulungang gahasain ng mga suspek sina “Mishielle” at “Kristine.”

Lumalabas na naganap ang gang-rape kaninang madaling araw sa Mamasakitao Boarding House kung saan tinutukan ang mga biktima ng baril saka hinalay.

Makaraan ang panggagahasa ay tinangka pang ikulong ng mga suspek ang dalawa na suwerte namang nakatakas bandang 4:00 madaling araw kaya nakapagsumbong sa pulisya.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nasa ilalim ng ilegal na droga ang mga nadakip dahil sa nakitang foil paper na naglalaman ng shabu sa kanilang boarding house.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply