2 driver todas sa salpukan ng 2 truck

DALAWANG driver ang namatay nang magsalpukan ang kani-kanilang mga minamanehong truck sa highway sa Davao City, habang isang helper naman ang sugatan sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame PNP-Highway Patrol Group, isang head on collision ang naganap humigit kumulang alas 9: 00 ng gabi sa McArthur Highway sakop ng Barangay Binugao, Davao City na kinasasangkutan ng isang ten wheeler delivery truck at isang dump truck.

Patay sa sakuna sina Ernesto Montilla driver ng dump truck at Nelrod Robillo ng soft drinks delivery truck

Sa pagsisiyasat ng Davao City PNP, sugatan din sa sakuna ang kapatid ni Robillo na kinilalang si Phillip Robillo dahil sa lakas ng impact at ngayon ay kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Nabatid pa na sumalpok ang dump truck na minamaneho ni Montilla sa 10-wheeler truck na minamaneho naman ni  Robillo.

Isang saksi ang nagsabing tinangka ni Robillo na iwasan ang sakuna sa pamamagitan ng paghinto ng makita niya ang paparating na dump truck na nag-overtake sa isa pang sasakyan subalit nagtuloy-tuloy si Mantilla at sinalpok si Robillo .

Sa imbestigasyon ay posible umanong nakaranas ng mechanical failure ang dump truck subalit possible ring nakatulog si Montilla sa manibela.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply