2 holdaper nalambat sa Caloocan

NASAKOTE ng mga pulis ang dalawang holdaper na nambiktima sa binatang naksakay sa pampasaherong jeep sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City Police Chief, Senior Supt. Rimas Calixto ang mga suspek na sina Jomar Alforte, 23 at Yang Beltran, 24, kapwa ng Champaca St., Maligaya Park ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-5:00 ng madaling araw, kasakay ng mga suspek si Joshua Jimenez, 28 at pagsapit sa Zapote Road ay nagdeklara ng holdap ang mga una.

Habang nakatutok ang patalim sa biktima ay kinuha ng mga suspek ang Ducati Shade, Lacoste bag, Cellphone at cash na P4,700 nito bago mabilis na nagsitakas.

Nakahingi naman ng tulong sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang mga suspek subalit hindi na nabawi ang mga nakulimbat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply