2 huli sa pagnanakaw ng mga bintana sa pabahay

KULONG ang dalawang binata matapos mahuling ninakaw ang apat na aluminum window frames sa ginagawang pabahay sa Caloocan City kaninang umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Kherry Marcelino, 19 at Basit Sultan Abdul, 19 ng NHA Site 4, Tala ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:49 ng umaga, tinanggal ng mga suspek ang apat na window frame na aabot sa halagang P4,000 sa ginagawang 4th floor sa nasabing lugar.

Binitbit ng mga suspek ang mga bintana na nakita ng guwardiyang si Pepito Mercado, 30 na naging dahilan upang pigilan ang dalawa bago itinawag sa kanilang hepe ng maintannce na si Jaime Forto, 51 na siyang tumawag sa mga pulis.

Naibalik naman ang mga bintana.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply