2 kapatid na lalaki ng sexy singer-actress naging ‘boy toy’ ng mga bayota

LAST Saturday, so thrilled ang aming morning dahil sa tawag ng isang impormante na may connect sa showbiz.

Mahaba-haba ang naging chikahan namin ng nasabing spy dahil sobrang nakaaaliw naman talaga ang mga rebelasyon nito tungkol sa dalawang kapatid na lalaki ng flawless na sexy singer-actress na nakilala naman kahit papano nung time niya.

At ano naman ang kainte-interes aber sa mag-utol na ‘yan? Well, dahil sa pareho silang gwapo at mararagul(malalaki) ang equipment na sumasayad na sa inidoro ay naging paboritong ‘boy toy’ ang mga ito no-on ng iba’t-ibang klaseng bayotang nasa showbiz.

Heto at basahin nyo ang blow by blow na pambubuking pa ng aming informant, “Unang humada sa kanila, kapatid, ay ang gurang na TV host, tapos sinundan ito ng comedian na ex politician, mga movie reporters na mga naging close sa pamilya ng mag-brother.

Siyempre, pinangakuan ang dalawang Papa ng mga baklita na pasisikatin nila kapalit ng churva buong magdamag. Ang ending, nakufing sila pero ni minsan ay hindi sila naging star sa pelikula kundi pawang extra lang ang role na naibibigay sa kanila.

In fairness, hindi lang sila daks kundi mga gwaping pa. Sa ngayon, pareho na raw pamilyado ang mag-utol at may mga anak na. ‘Yung kanila namang sister na singer-actress patuloy pa ring rumaraket para sa kanila.
Well, sabi nga kung may magpapa-uto, may mauuto gyud!

***

Villa Anna Paradise Resort and Hotel ni Anna Dizon isa sa kilalang tourist Spot Sa Oriental Mindoro

Ongoing pa rin ang total renovation ng Villa Anna Paradise Resort and Hotel na pag-aari ng dating BMG recording Artist at International Agency owner na si Anna Dizon. At kahit na nasa Oriental Mindoro ang resort na ito ni Anna at busy siya sa pag-ooperate ng kanyang ATD International Services Incorporated na nagpapadala ng mga singer, banda, pianista sa bansang Japan na may booking sa mga sosyal na hotel, ganon na rin ang DH sa bansang Kuwait at mga waiter para sa bansang Malaysia, personal na nakatutok ang singer-businesswoman rito.

Balita pa ni Anna, malapit nang matapos ang renovation ng kanyang resort na gate pa lang ay ginastusan na ng milyones at pagdating sa loob nito mamangha kayo sa sobrang ganda ng mga makabagong amenities at magagandang executive rooms.

Inihahanda na rin ang time-sharing ng resort na affiliated na sa Resort Condominium International(RCI).
Isusunod na rin ang pagpapatayo ng bagong-bagong hotel na may limang palapag sa nasabing resort na located sa Mabuhay 1 Socorro Oriental Mindoro.

Sa ngayon itinuturing na ang Villa Anna Paradise Resort na isa sa dinudumog na tourist spot ng mga turista at mga kababayan natin sa Mindoro. By the way, ‘yung mga waiters na pinapadala ni Anna sa Malaysia ay direktang makapagtatrabaho sa 5 Star Restaurant rito tulad ng TGI Fridays, Italianes, Watami, Bulgogi etc. Ang mga nasabing resto ay pag-aari ng Chaswood Group of Companies na malaki ang tiwala sa international agency ni Anna.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap nila ng mga aplikanteng waiter. Kaya kung ikaw ay good looking 5’6 pataas, 21 to 32 years old at HRM graduate, mag-apply ng personal sa ATD International Services Incorporated na matatagpuan sa Unit 11 B Gloria Bldg. No. 157 A. Bonifacio Ave. cor. Agudo St., Quezon City katapat lang ng Bonifacio Market.

At para sa inyong mga application appointment, tawag na sa 355-9180 and look for Ms. Dina San Miguel at Ching Santos. Ang maganda sa ATD, makaaalis kayo nang wala ng aalalahanin pang placement fee kundi passport lang na inyong ipo-provide rito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply