2 kusinero sugatan sa saksak ng kainumang sekyu

SUGATAN ang dalawang kusinero nang manghalihaw ng saksak ang kainuman nilang security guard makaraang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang diskusyon habang nag-iinuman sa pinapasukan nilang Japanese restaurant kamakalawa ng madaling araw sa Makati City.

Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati ang mga biktimang sina Antoniot Hererra, 26, chief cook ng Hae Song Okura Japanese Restaurant sa Jupiter St., Barangay Bel-Air na nagtamo ng saksak sa likod at kaliwang braso habang may tama naman ng saksak sa kaliwang hita ang sushi chef na si Abraham Camposanto, 31, kapuwa stay-in sa naturang restaurant.

Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspect na si Benjie Simbahon, 30, stay-in security guard sa naturang ding restaurant makaraan ang pananaksak.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ronaldo Villaranda ng Homicide Section ng Makati police, nag-iinuman umano sa loob ng Japanese restaurant ang tatlo, kasama ang iba pang kawani bilang selebrasyon ng birthday ng isa nilang kasamahan dakong alas-5:30 ng madaling araw nang makipagtalo ang suspect sa dalawang kusinero kaugnay sa iniinom nilang alak.

Napikon umano ang guwardiya hanggang sa kumuha ng patalim sa kusina at pinagsasaksak ang dalawang kusinero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply