2 Magdalo, umapela na iabsuwelto sa kasong kudeta

HINILING ng dalawang miyembro ng Magdalo sa korte na iabsuwelto na ang isinampang kasong kudeta laban sa kanila kaugnay sa 2003 Oakwood Mutiny, sa Makati City.

Umapela ang mga akusado na sina 1st Lieutenants Lawrence San Juan at Rex Bolo sa Makati Regional Trial Court na iabswelto sila sa naturang kaso.

Nagtataka ang dalawa kung bakit hanggang ngayon ay may kaso sila habang nakalalaya pa rin ang umano’y utak sa kudeta na si Senador Gringo Honasan.

Sina San Juan at Bolo ang nalalabing akusado sa nabanggit na kaso at 321 ang respondents.

Matatndaan na mahigit sa 300 junior officers at enlisted men ang kumubkob  Oakwood sa Ayala Center, Makati City noong  July 27, 2003.

Ang mutiny ay pinamunuan ni Navy Ltsg. Antonio Trillanes IV, Army Capt. Gerardo Gambala, Army Capt. Milo Maestrecampo, Navy Ltsg. James Layug and Marine Capt. Gary Alejano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply