2 magnanakaw kalaboso sa pito ng biniktima

KULONG ang dalawang magnanakaw habang nakatakas ang isa pang kasama dahil sa pagpito ng kanilang biniktima sa Caloocan City Miyerkules ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Daniel Celso, 18 at Dominic Verino, 22 habang nakatakas ang kasamang si Carlo Silao, pawang NPC Line, Deparo ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang bahay ni Mary Villanueva, 30 sa Amado st., BF Homes ng lungsod.

Nagising ang biktima at nagsisigaw ng “magnanakaw, magnanakaw” na naging dahilan upang magpulasan ang mga suspek papalabas.

Nakakuha ng pito ang biktima at pumito ng pumito na narinig ng mga barangay tanod at hinabol ang mga suspek hanggang sa maabutan ang dalawa at nabawi ang cellphone subalit natangay ng nakatakas ang P20,000 halaga ng alahas.

Nakuhanan rin ang mga nadakip ng icepick na dinala na sa presinto habang pinaghahanap pa si Silao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply