2 manggagawa, dinukot ng militar sa Mandaue

DINUKOT ng mga ahente ng Military Intelligence Group ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police-Cebu ang dalawang manggagawa sa lungsod ng Mandaue noong Biyernes ng gabi, Oktubre 5.

Sapilitang kinuha sina Jimmylisa Badayos, 36 taong gulang, at Calixto Vistal, 38 taong gulang, kapwa manggagawa ng EuroForest Products Industries, Inc. habang papalabas sa kanilang pabrika sa nasabing lungsod.

Si Jimmylisa ay anak ni Jimmy Badayos na dinukot noong ika-tatlo ng Oktubre 1990 at hanggang ngayon ay nawawala pa rin. Si Jimmylisa ay kasapi ng grupong Sons and Daughters of Desaperacidos o SAD.

Habang nagpupimiglas, naramdaman ni Jimmylisa na may inilagay na bakal sa loob ng kanyang bag.

Sa gabi ring iyon, ipinakita ng PNP-Cebu sa crew ng GMA7 Cebu na may lamang baril at granada ang kanyang bag, samantalang nawawala ang kanyang pera, ATM card, passport at broadband device.

Kahapon ng hatinggabi, kinuha ng mga sundalo si Calixto mula sa Camp Sotero Cabahug at magpasahanggang ngayon ay hindi alam ang kinaroroonan.

Nanawagan ang grupong Karapatan na manawagan ang mamamayan sa gubyernong Aquino na palayain ang dalawang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply