2 miyembro ng drug group huli sa droga ng PDEA

DALAWANG miyembro umano ng Marawi Drug group ang nasakote ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang operasyon sa Cavite noong October 18, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina  Abeth Ampuan, 30 anyos ng Datu Esmael, Dasmariñas, Cavite; at kasamahan nitong si Jomilah Macalandong, 26 anyos ng  Ipil-ipil Street, Barangay Looc, Calamba City, Laguna.

Batay sa ulat ang mga suspek ay nasa watchlisted drug personality ng PDEA  at kapwa miyembro ng Marawi Drug Group na kilalang sangkot sa  illegal drug activities sa bayan ng Dasmariñas at karatig na munisipalidad .

Ang dalawa ay nahuli sa isinagawang buy bust operation n g  PDEA Regional Office 4A (PDEA RO4A) sa pamumuno ni  Director Emerson Margate sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite matapos nilang bentahan ng shabu ang isang poseur-buyer ng PDEA

Pansamantaang nakapiit ang dalawa sa PDEA RO4A Custodial Facility. habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy), Article II of Republic Act 9165.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply