2 miyembro ng ipit taxi gang, tiklo; 1 pa tinutugis

HINAHANTING na ngayon ng pulisya ang isa pang miyembro ng Ipit taxi gang na bumiktima sa isang babaeng clinic aide habang kinasuhan na sa Quezon City Prosecutor’s Office(QCPO) ang dalawang kasabwat nito.

Ang tinutugis na si alyas Boboy, Katawan o Hero ang kukumpleto sa dalawa pang kasamahan nitong sina Salvador Fulloso, 40-anyos at Pablito Manatag, 38-anyos, na nauna nang nahuli nitong Linggo lamang.

Si Fulloso ay natiklo sa bahay nito sa Barangay Batasan Hills sa Q.C. habang si Manatag naman ay naaresto ilang oras ang nakaraan sa Cogeo, Rizal province.

Ayon kay QCPD Special Operations Unit P/Supt. Reynaldo Ramirez, kasong robbery at acts of lasciviousness ang isinampa laban kina Fulloso at Manatag.

Sa salaysay ng 23-anyos na clinic aide, sumakay siya nitong nakaraang Biyernes ng gabi sa Celyn taxi transport cab na minamaneho ni Fulloso sa Greenhills sa San Juan at nagpapahatid sa kanyang bahay sa Sta. Mesa, Maynila.

Pagsapit nila sa kanto ng Auroa Blvd at Araneta Avenue, biglang isinakay ni Fulloso si Manatag at isang hindi nakikilalang lalaki na kinalaunan ay nakilalang si alyas Boboy.

Habang ang taksi ay tumatakbo, niliimas ng mga suspect ang pera, alahas at cellphone ng biktima na may  kabuuang halagang P40,000, nilalamas din ng mga suspect ang kanyang maselan na bahagi ng katawan habang nakatutok ang kutsilyo sa kanyang mukha.

Pinagsawaan munang hipuan ng mga suspect bago ibinaba ang biktima sa Betty Go Belmonte St sa Aurora Blvd.

Nakuha naman ng biktima ang plaka ng taksi ni Fulloso at kinabukasan ay ini-report agad ang pangayayari sa pulisya.

Inginuso naman ni Fulloso si Manatag nang madampot ito sa kanyang bahay nitong nakaraang Sabado.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply