2 motorsiklo nagsalpukan; parak todas

DEAD on arrival sa ospital ang isang pulis makaraang magbanggan ang dalawang motorsiklo sa Muntinlupa City.

Base sa nakuhang identification card (ID) , nakilala ang biktima na si Apollo Cerillo ng Police Security and Protection Group (PSPG).

Pauwi na umano si Cerillo nang makabanggaan niya ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Erwin Gomez habang binabagtas niya ang  Sucat.

Ginagamot naman sa kasalukuyan si Gomez habang hindi pa rin batid ng pulisya kung sino ang may kasalanan sa naturang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply