2 nawawala sa bagyong Ofel – NDRRMC

SA PINAKAHULING ulat ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), dalawa na ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Ofel sa bansa.

Kinilala ng NDRRMC ang mga nawawala na sina Jonrey Acaso, 28 taong gulang, taga-Pintuyan, Southern Leyte at Jonnie Fronda Ocson, 8-anyos at mula sa Odiongan, Romblon.

Batay sa ulat, nitong Lunes pa nawawala si Acaso na pumalaot sa dagat. Kahapon naman nawala si Ocson.

Sa kabilang dako, ayon pa rin sa NDRRMC, umaabot na sa 296 pamilya (katumbas na 957 indibiduwal) ang naapektuhan ng bagyo partikular na sa Region VIII.

Stranded naman ang tinatayang 13,505 na pasahero mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil pa rin sa masamang panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply