2 obrero todas sa
riding-in-tandem

TODAS ang dalawang construction worker matapos ratratin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Little Baguio Heights Barangay 180 Camarin Caloocan City, kahapon ng umaga.

Dead on spot sa pinangyarihan si Isaac Ronda y Morales, 48, sanhi ng tinamong tama bala ng kalibre 45 sa ulo, habang si Ruel Lopez y Quiniones 38, ay dead on arrival sa San Lorenzo Clinic sa Largo Quezon City sanhi ng mga tinamong tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan. Ang dalawa ay pawang residente ng nasabing lugar.

Sa report, magkasamang gumagawa ang mga biktima sa bahay ni Abner Aranis 71 sa naturang lugar nang sumulpot ang mga suspek sakay ng Honda motorcycle na kulay pula at walang plaka. Agad na nagbunot ng baril at walang sabi-sabing binaril sa ulo si Ronda na agad bumulagta at namatay.

Tinangka pang tumakbo ni Lopez ngunit siya naman ang pinagbabaril ng mga suspek.

Nadala pa sa pagamutan si Lopez ngunit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng buhay.

Nakarekober ang mga tauhan ng Scence of Crime Opiratives (SOCO) ng 5 basyo ng kalibre 45 sa crime scene na ginamit sa pamamaslang.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at nagkasa ng manhunt operation laban sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply