2 pang akusado sa PCSO plunder case sumuko na

LUMUTANG na ang dalawa sa tatlo pang dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) official na kapwa akusado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong plunder sa Sandiganbayan.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group Deputy Director for Operations, Senior Superintendent Keith Singian.

Ayon kay Singian, sumuko na sina dating PCSO General Manager Sergio Valencia at Assistant General Manager for Finance Benigno Aguas kasama ang kanilang mga abogado, kagabi.

Sa kasalukuyan ang dalawa na sina Valencia at Aguas ay nananatili na sa PNP custodial center .

Samantala, hindi pa rin lumulutang o natutunton ang isa pang akusado na dating PCSO official na si Raymundo Roquero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply