2 pang bangkay ng titser, natagpuan na

NATAGPUAN na ang bangkay ng dalawa pang titser na ang sinasakyang dyip ay tinangay ng malakas na agos sa Batangas noong Oktubre 10.

Sa alas 6 a.m. na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang bangkay ng mga biktimang sina Jona Driz at Efren Lontoc ay natagpuan sa Sitio Buhi sa Barangay Tayuman sa Lobo, Batangas nitong Sabado ng hapon.

Dahil dito, naging lima na ang bilang ng kaswalidad sa nasabing insidente nitong nakaraang Miyekules.

Nauna nang iniulat ang pagkamatay ng mga biktimang sina Emeliana Lontoc, Menchie Degayeta at Nelia Gweco, habang ang pang-anim na biktima na si Jeurtrudes Indecio, 6-anyos ay nasagip.

Samantala, pumunta naman kahapon (Oktubre 13) si Department of Education Secretary Armin Luistro sa Batangas para makiramay sa mga pamilya ng tatlong titser.

Sa ipinosteng DepEd’s Twitter account nitong Sabadong gabi, nakasaad na bumisita si Luistro sa burol ng tatlong titser sa Lobo town sa Batangas.

Maalalang lulan ang 5 titser kabilang ang mag-asawang Lontoc at ang paslit na si Indecio sa isang owner type jeep na minamaneho ni Efren nang bigla silang tangayin ng rumaragasang agos ng tubig habang tinatawid nila ang ilog sa Barangay Nagtaluntong sa Lobo town dakong alas 6:30 ng gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply