2 pang incumbent partylist groups, diniskuwalipika

DALAWA pang incumbent Party-list groups ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) at hindi pinayagang makalahok sa May 13, 2012 national and local Elections.

Nabatid na kabilang sa mga tinanggal sa listahan ng mga party-list groups ay ang Association of Philippine Electric Cooperatives  (APEC) at 1st Consumers Alliance for Rural Energy (1-CARE).

Ang 1-CARE ay mayroong dalawang incumbent representatives sa Kamara na kinabibilangan nina Salvador Cabaluna III at Michael Angelo Rivera habang ang APEC naman ay mayroong isang kinatawan sa katauhan ni Ponciano Payuyo.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., nagpasya silang i-diskuwalipika at hindi payagang kumandidato sa eleksiyon ang naturang mga incumbent party-list groups dahil wala naman umanong sektor para sa electronic consumers.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Brillantes na papayagan nilang makatapos ng termino hanggang sa susunod na taon ang mga naturang party-list groups.

Alinsunod sa Republic Act 7941 o ang Party-list System Act, ang mga kinatawan na tumatakbo sa ilalim ng party-list system ay dapat na kabilang sa “marginalized at underrepresented sectors.”

Una nang inianunsiyo ng Comelec ang diskuwalipikasyon ng may 50 iba pang party-list groups sa pangunguna ng Ako Bicol, na nanguna sa 2010 elections at kasalukuyang may tatlong kinatawan sa Kongreso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply