2 Papuan national, binitbit sa MPD-HQ

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), ang dalawang estudyanteng Papuan national matapos na magwala sa loob ng isang bar kaninang madalingaraw sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang dalawang banyaga na kapwa dinala sa MPD-GAS ng tourist police na sina Kuri  Randi,19, estudyante at kaibigan nitong si Ben Tina, kapwa taga Papua Guinea at nanunuluyan sa UN Avenue, Ermita, Maynila.

Nabatid na dakong ala 1:00 ng madaling araw ng humingi ng police assistance si Melody Vieneza, manager ng  Studio 54 Sports Bar sa Ermita, Maynila.

Ayon sa reklamo ni Vieneza, nagsisigaw at nagmumura at nagsasalita ng masasama si Randi dahilan para maalarma ito at tuluyang humingi ng tulong sa mga awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply