2 paslit na-trap sa nasusunog na bahay, patay

PATAY ang dalawang batang magpainsan matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Catolohan, Dalaguete, Cebu.

Sa ulat sa radyo, wala ang lolo ng mga biktima na sina Hayden Sidney Indig, 4, at John Mark Jorolan, 3, nang sumiklab ang sunog sa bahay ng mga biktima.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog dakong alas-8:00 ng umaga at naapula dakong 12:30 na ng tanghali.

Sugatan naman ang isang Harold Manos, 36, sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply