2 paslit, patay sa lunod at bumaligtad na bangka

PATAY ang dalawang bata sa magkahiwalay na lalawigan ng Iloilo at Butuan nang malunod ang isa sa ilog, habang ang isa ay sa bumaligtad na bangka.

Ang unang biktima ay anim na taong gulang  lamang, nalunod habang naliligo sa ilog sa Brgy. Maragubdub, San Remegio, Antique.

Nabatid na kasama ng biktima na naligo sa ilog ang kanyang mga kaibigan.

Samantala, patay naman ang pitong taong gulang na bata matapos malunod nang bumaligtad ang sinasakyan nilang bangka pasado alas-10:00 ng umaga sa Damayan River sa Brgy. Libertad sa lungsod ng Butuan.

Kinilala ang biktima na si Francis John Asis, Grade 2 pupil, ng Libertad Elementary School.

Nabatid na sumama ang biktima sa kanyang tiyuhing si Patricio Facaldo at tatlong iba pang mga bata upang mangisda nang bumaligtad ang kanilang sinasakyan na naging dahilan ng kanilang pagkahulog sa ilog.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply