2 patay sa barilan sa Commonwealth sa Kyusi

PATAY ang pinuno ng Task Force Commonwealth nang pagbabarilin ng apat na suspek sakay ng dalawang motorsiklo sa Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang hapon.

Patay din ang isa sa mga suspek nang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis.

Kinilala ang biktima na si Manuel Boncio, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng napatay na suspek.

Sa imbestigasyon, alas-4 ng hapon kanina habang papasakay ng kanyang kotse ang biktima nang pagbabarilin ng mga salarin.

Nakita  naman ng mga pulis na nakatalaga sa lugar ang insidente dahilan para habulin ang mga suspek, ikinamatay ng isa pa.

Tinitingnang motibo sa krimen ay ang trabaho ng biktima na pagbuwag sa illegal structures ng mga illegal vendor sa lugar.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply