2 pulis na tumanggi sa suhol, pinarangalan

TUMANGGAP ng parangal ang dalawang pulis ng lungsod ng Pasay dahil sa pagtangging masuhulan para palayain ang isang drug user sa lungsod ng Pasay.

Sa isang flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ng lungsod , binigyan ng komenasyon at medalya ni Pasay City mayor Antonino Calixto ang dalawang pulis na sina Senior Police Officer 1 Charlie Asuncion at Police Officer 2 John Barraza.

Ayon kay mayor Calixto, dapat sundan ng mga kapulisan ang ginawa ng dalawa , at dahil sa dito ay ipinakita na hindi lahat ng pulis ay korap at ipinakita na mapagkakatiwalaan ang mga pulis Pasay.

Maliban sa parangal mula kay Calixto, binigyan din ng NCRPO ng “Medalya ng Papuri” ang dalawang pulis at komendasyon mula sa Southern Police District.

Nangyari ang panunuhol sa dalawang pulis noong Oktubre 2 matapos arestuhin ng dalawa ang isang Angela Bernardo dahil sa nahulihan ito ng shabu matapos ang isang kaguluhan na kinasangkutan nito.

Isang tiyahin ng suspek na nakilalang si Babylyn Canlas ang nagtungo sa tanggapan ng Intelligence Section ng Pasay Police at inalok ang dalawang pulis ng P20,000 para sa pagpapalaya sa kanyang pamangkin nasi Angela. Pinayuhan ni Asuncion at Barraza ang babae na maari itong makasuhan ng corruption of public officials subalit nagpilit pa rin ito sabay inilapag ang isang sobre na naglalaman ng salapi.

Agad na inaresto ng dalawa si Canlas sa salang panunuhol kaya’t dalawa na sila ng kanyang pamangkin na naghihimas ng rehas sa Pasay City jail.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply