2 sakay sa motorsiklo, tigok

KAPWA hindi umabot ng buhay sa pagamutan ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos silang salpuking ng isang pampasaherong bus sa lalawigan ng Ilocos Sur, ayon sa ulat ng puloisya kahapon.

Base sa report na nakarating sa PNP Highway Patrol Group, dead on arrival ang mga biktimang sina Eduardo Giray, 47, isang karpintero at Pio Wagayen, 50, magsasaka at parehong residente ng Brgy. Palacapac, Candon City.

Kulungan naman ang binagsakan ni Artemio Castillo, tubong Umingan, Pangasinan, driver ng nakabanggang Dominion Bus Line.

Nabatid na naganap ang insidente sa kahabaan ng national highway sakop ng Barangay, Paras, Candon City, ng nabangit na lalawigan.

Sa isinumiteng ulat ng PNP Candon, binabaybay ng bus ang pambansang lansangan patungong timog na direksyon nang bigla na lamang pumasok ang motorsiklo na sinakyan ng mga biktima sa linyang tinatahak ng bus kayat hindi na ito naiwasan pa ng nabiglang driver at sinalpok
sila nito.

Pumailalim ang mga biktima sa bus at nakaladkad pa ng ilang metro ang layo dahilan upang mapinsala ng husto ang kanilang mga katawan na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply