2 sins lang ang may tax

DALAWA lang na sin ang may tax, ang sigarilyo at alak. Lahat ng iba pang sin ay walang tax. Class legislation na yata ito kung tatanungin ninyo ang mga abogadong kilala ko.

Walang sin tax sa prostitution, at wala ring tax sa graft and corruption. Very unfair naman yata iyan. Nasaan na ang equal protection na nakasaad sa ating Constitution?

Dapat, taxable lahat ang sin, ligal man o iligal. Ang alak at sigarilyo ay ligal kaya puwedeng patawan ng tax. Pero may sin bang ligal at may sin namang iligal? Kaya nga sila tinawag na sin, bawal ito. Kasalanan ito.

Ang ating Constitution ay hango kadalasan sa Constitution ng Amerika. Na hango naman sa 10 Commandments maliban sa pinakaimportanteng utos, ang Commandment # 1 dahil bawal daw ang relihiyon sa ating Saligang Batas. Sampung bawal iyan at kasalanan o sinful pag hindi sinunod ng sinoman.

Pero dahil dalawa lang ang sin ayon sa mambabatas, lahat ng iba pang sin ay hindi taxable.

Sa debate ng sin tax sa Senado, hindi sin ang bastusin ang pabor sa mas murang singil ng tax sa sigarilyo at sa alak.

Pero si Senador Ralph Recto, galit dahil siya ay binabastos ng mga pro-higher sin tax.
Kung ako si Ralph, gagawa ako ng batas na patawan din ng sin tax ang nambabastos.
Kasi, sin din yan, ligal man o hindi, covered man o hindi ng cyber law.

Si Jesus nga, nagpamudmod pa ng alak sa mga dumalo sa isang kasalan. Pero hindi siya siningil ng tax ng Romans.

Kung nagkataong uso na ang sigarilyo noong panahon ni Jesus, may sin tax kayang ipapataw sa Kanya?

Napag-uusapan na rin lamang natin si Jesus, bakit kaya hanggang ngayon ay Jesus pa rin ang titulo niya? Bakit kaya hindi His Emminence katulad ng mga arsobispo?

Or His Holiness katulad nga sa Santo Papa? At si Santo Papa, bakit kaya santo ang tawag sa kanya eh hindi naman siya na beatify? At hindi declared saint?

Bakit lahat ng mga President sa Pilipinas ay His Excellency ang tawag? At his honor naman sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno, honorable man o hindi?

May sin ba sila? Siyempre naman, lahat naman ay may sin, pero uulitin ko, sigarilyo at alak lamang ang may sin tax.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply