2 sinuwag ng pickup truck sa Iloilo, todas

HINAHANTING na ngayon (Oktubre 21) ng pulisya ang drayber ng isang pickup truck na umararo sa dalawang kataong naglalakad sa gilid ng kalsada sa Dumangas, Iloilo nitong nakaraang Sabado, ayon sa ulat.

Sinabi ni Iloilo Police Director Senior Supt. Gil Lebin na ikinasa ang pagtugis nang may magbuko na ang drayber ng kulay pulang Colorado Chevrolet pickup na sumuwag sa mga biktimang sina Levi Joy dela Puerta, 21-anyos at Raymond Donio, 29-anyos ay isang nagngangalang John Rey Patricio.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 2 ng hapon sa isang bisinidad sa coastal road ng Dumangas nitong nakaraang Sabado sa coastal road.

Ayon sa nakasaksi, bago ang insidente ay tinatahak ng suspect ang nasabing kalsada nang sa hindi malamang dahilan ay sinuwagnito ang dalawang biktima na kapwa naglalakad sagilid ng kalsada.

Imbes naman huminto at dahin sa ospital, tumakas si Patricio.

Isinugod naman ang mga biktima sa Dumangas District Hospital, pero hindi na umabot ng buhay ang babaeng biktima habang si Donio naman na ang mga binti at ilang parte ng katawan ay nabali ay namatay din mataposang ilang oras.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply