2 smuggler kinasuhan na ng BoC

SINAMPAHAN na ng kaso ng Bureau of Customs (BoC) ang dalawa umanong smuggler na nagtangkang magpuslit ng mga imported na bawang at sibuyas sa bansa.

Personal na inihain ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kahapon sa Department of Justice ang reklamo laban sa mga suspek na sina Rady Garbosa ng SG Marketing at Carlos Uy ng Agua Blue Marine Trading dahil sa kawalan ng kaukulang permit ng kanilang shipment.

Umaabot umano sa P20-milyon ang bawang at sibuyas na bigong maideklara ng dalawang kumpanya.

Nireregulate ng gobyerno ang pagpasok ng mga imported na bawang at sibuyas sa bansa upang pangalaagan ang mga lokal na magsasaka sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply