Stude, 1 pa tinangay ng alon, patay sa Bora

(UPDATE) PATAY ang isang estudyante habang nadamay naman ang isa pa nang tangkain nitong sagipin ang una sa pagkalunod sa Boracay sa bayan ng Kalibo, Aklan kaninang umaga.

Kapwa idineklarang dead on arrival sa Boracay District Hospital sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga ang biktimang sina Gino Susito, 20-anyos at residente ng Pasig City at Dabi Pedrosa, 28-anyos, isang bakasyunista at residente ng Valenzuela City.

Nakaratay naman sa nasabing ospital sina Matthew Yambao, 21; Francis Harina, 19; at Gerald Apostol, 21; habang ini-refer naman sa out-patient department si Riza Delmundo, 19, na pawang mga estudyante at residente ng Pasig City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa Barangay Balabag, sa isla ng Boracay.

Bago ito, may educational trip ang limang biktima na pawang HRM students sa naturang isla nang magsilanguyan sa dagat sa kabila ng malakas na pag-ulan.

Sa gitna ng paglangoy, biglang tumaas ang alon at tinangay ang mga biktima.

Tinangka namang sagipin ni Pedroza si Susito pero maging siya ay nalunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply