2 teenager ginawang sex slaves ng lover ng ina

KULUNGAN ang binagsakan ng isang 44 anyos na lalaki matapos na mabulgar na ginawa nitong sex slave ang dalawang menor de edad na anak ng kanyang kinakasama sa bayan ng Camalig, ayon sa ulat ng PNP Camarines Sur Police Office kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kusang loob ng sumuko ang suspek na si Nestie, 44 anyos, ng nasabing bayan na umamin sa kanyang ginawa sa dalawang pamangkin.

Sa report ay nabatid na kapwa menor de edad ang mga biktima na kinilalang sina Amor, 15 anyos at Roma,  17 taong gulang na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip.

Nabatid sa isinagawang pagsisiyasat ng PNP Camalig na ginawang parausan ng suspek si Amor sa loob ng mahigit tatlong taon at ng magsawa ay sinubukan naman nito gawing sex slave ang may problema sa problema sa pag-iisip sa loob ng isang taon.

Nabisto lamang ang ginagawa ng ama-amahan sa dalawang batang babae ng madinig ng kanilang nakatatandang kapatid ang kuwentuhan ng magkapatid kaya agad na isinumbong sa kanilang ina.

Dahil dito wala ng nagawa ang lalaki kung hindi umamin sa kasalanan at nagpasyang isuko ang sarili sa mga awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply