2 vessel ng Trans-Asia Shipping Lines sinuspinde ng Marina

MAKARAANG masagkot sa magkakahiwalay na traheday sa karagatan, sinuspinde na ng Maritime Industry Authority (Marina) ang dalawang vessel ng Trans-Asia Shipping Lines Inc.

Ayon kay Marina Administrator Nicasio Conti, bubusisiin sa gagawing safety inspections ang Trans-Asia 5 at 3 upang matiyak ang sea worthiness ng mga ito.

Linggo ng gabi nang sumadsad sa Cebu ang MV Trans-Asia 5 habang naglalayag patungong Cagayan De Oro City sakay ang mahigit 500 pasahero.

Naubusan naman ng gasolina ang MV Trans-Asia 3 malapit sa Cebu City matapos bumiyahe mula Ozamis City lulan ang mahigit 180 katao.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply