20 grupo ng ‘hacktivist’ iniimbestigahan ng NBI

TINATAYANG aabot sa 20 grupo ng “hacktivist” (hackers) ang iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kaugnayan sa pangha-hack ng website ng gobyerno.

Kabilang sa iniimbestigahan ang grupong “Anonymous Philippines” na nang-hack sa website ng NBI at iba pang government website. Ito rin umano ay binubuo ng mga hacker sa iba’t ibang bansa subalit hindi organisado.

Natukoy na rin ng ahensya ang hacktivist group na “Anonymous Occupy Philippines” at “Prison X” na kabilang din sa sumabotahe sa ilang website ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng NBI na kanila ng iniimbestigahan ang mga naturang grupo na kumukontra sa Anti-Cyber Crime Law.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply