20 K-9 drug-sniffing dogs, idadagdag sa puwersa ng PDEA

SA dating bilang na 15, madagdagdagan pa ng 20 ang astig na K-9 sniffing dogs para lalo pang lumakas ang kampanya ng Phililppine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa droga.

Ito ang kinumpirma kaninang umaga (Oktubre 28) ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo Cacdac.

Ayon kay Cacdac, inaasahan nila na sa Enero 2013 ay makukuha na nila ang karagdagan na dalawangpung K-9 drug sniffing dog na mga Belgian Mallinois puppies.

Ang nasabi aniyang bilang ay karagdagan sa dating 15 na K-9 dogs na nasa ilalim ng Special Enforcement Service (SES) K-9 unit.

Sinabi rin ni Cacdac na nangako ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pamumuno ni Rear Admiral Luis Tuason na magiging kabilang ang mga PDEA K-9 handlers sa kanilang nakatakdang handler’s training course na ikakasa sa PCG K-9 breeding and training facility sa Taguig City.

Matapos aniya ang training course sa mga K-9 dogs at ang kanilang mga handlers, isasabak sila agad sa joint operation kontra droga kasama ang Coast Guard sa iba’t ibang daungan sa buong bansa.

Ngayon pa lamang ay nagpasalamat naman agad ang hepe ng PDEA sa Coast Guard dahil sa pakikipagtulungan sa kanila para tuluyang mabuwag na ang mga local at international organized drug syndicate.

Naniniwala si Cacdac na dahil sa tulong ng ilang ahensya ng gobyerno, hindi malayong magkaroon ng malaking impact at high value accomplishments sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply