20 pang partylist tatanggalin ng Comelec

MAY 20 partylist pa ang nakatakdang alisin ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes bago tuluyang iaanunsyo ang pagkakatanggal ng nasabing partylist groups ay kailangan munang mapirmahan ang resolusyon upang sila ay tuluyang mabura sa listahan ng maaaring kumandidato sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni Brillantes na hindi pa niya maianunsyo ang 20 partylist na kanilang ididiskuwalipika dahil hindi pa napipirmhan ang resolusyon kaya naman hindi pa nito maaaring maihayag ang mga pangalan ng mga partylist group.

Sinabi pa ni Brillinates na 150 lamang ang bibigyan nila ng accreditation mula sa 172 na bagong aplikante at 115 na existing partylist groups.

“In general ang mangayayari rito, there are about almost 300 [partylist groups].The existing, tumakbo na nung 2010 at saka ‘yung mga nagpapa-accredit na bago which is 172 plus 115 [na bago]… mga kalahati ang matatanggal.”

Kabilang lamang sa pinakahuling tinanggal sa listahan ng partylist group ay ang 1st Consumers Alliance for Rural Energy Partylist (1-CARE) at Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC).

Nagpapatuloy pa rin ang Comelec sa pagsala sa mga incumbent at new applicant partylists.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply