200 kilo ng karneng botcha nasamsam sa Dagupan City

TINATAYANG mahigit 200 kilo ng karneng botcha ang nakumpiska ng veterinary office ng Dagupan City sa Malimgas Public Market kaninang madaling araw.

Ayon sa awtoridad, balak ng mga nahuling tindera na isingit ang mga double dead na karne sa mga sariwang karne upang ibenta.

Dahil sa isinasagawang daily routine inspection ng veterinary office, natuklasan ang iligal na gawain ng mga tindera sa naturang siydad.

Nakatakdang kumpiskahin ang lisensiya at permit ng mga tinderang nahuli habang susunugin naman ang nasamsam na mga botchang karne.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply