2,000 legal assistants, ITs hanap ng SC

MAHIGIT na 2,000 legal assistants  at Information technology assistants ang iiempleyo ng  Kataas-taasang Hukuman.

Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes P. Aranal-Sereno,  ang pagkuha sa 2,000 legal assistants ay bahagi na ng ipaiiral na reporma judicial system upang mapadali ang paglutas ng backlog cases sa hudikatura.

Base sa  record, mayroon ngayong mahigit na  600,000  nabimbim na kaso sa iba’t ibang korte sa bansa na  nais masolusyunan ng Korte Suprema.

Maliban sa legal assistants, kukuha rin ng information technology assistants na itatalaga sa opisina ng mga hukom para sa centralized reporting.

Sinabi ng lady chief justice na layon ng hakbang na maiparating agad sa Korte Suprema ang mga nangyayari o status ng mga dinidinig na mga kaso mula sa iba’t ibang hukuman sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply