2,000 taga Malolos nakatanggap ng PhilHealth cards

MALOLOS, Bulacan,– Mahigit sa 2,000 benepisaryo mula sa 51 barangay sa lungsod ang tumanggap ng PhilHealth card sa isinagawang pamamahagi sa Malolos City Sports and Convention Center kamakailan.

Pinangunahan ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy Alvarado at Malolos City Christian Natividad ang pamamahagi ng 2,778 PhilHealth cards sa mga mahihirap na pamilya at kasapi ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps upang maseguro ang maayos na pangangalaga sa kalusugan.

Sabi ni Alvarado, malaking tulong ang PhilHealth card sa bawat isang taga Malolos napagkalooban nito. Magagamit anya nila ito sa pagpapagamot sa Bulacan Medical Center sa lalawigan.

Ipinaliwanag pa ng gobernador ang tamang paggamit nito sa mga provincial at government hospitals.

Sinabi naman ni Leo Liwanag pinuno ng PhilHealth Bulacan na napakahalaga sa isang pamilya ang magkaroon ng PhilHealth card, dahil makakatulong ito para sa good parenting, masisiguro ang kalusugan ng pamilya, at makakabawas sa dagdag gastusin sakaling magkaroon ng sakit.

Dagdag pa ni Liwanag na dapat unahin at magpundar muna ng PhilHealth ang bawat mamamayan dahil may kasabihan na sa “PhilHealth, bawat Pilipino ay miyembro, bawat miyembro ay protektado, kalusugan natin ay segurado.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply