2012 bar exam magsisimula sa Oktubre 7

MAGSISIMULA na ang 2012 Bar Examinations sa sa Linggo, Oktubre 7 sa University of Santo Tomas sa Espana, Maynila

Nabatid na may 5,686 Law graduates ang kukuha ng bar examinations na isasagawa sa Oktubre 7, 14, 21 at 28, o ang apat na araw ng Linggo ngayong buwan.

Kaugnay nito, inatasan ni Associate Justice Martin Villarama, chairperson ng Committee on the 2012 Bar Exams ang lahat ng mga mangangasiwa sa pagsusulit na higpitan ang pagpapatupad ng panuntunan ng eksaminasyon.

Ang pagsusulit sa may walong asignatura ay kombiansyon ng multiple choice at essay.

Samantala, umaasa naman si Villarama na magiging maayos at walang anomang gulong maganap sa bar exams ngayong taon.

Magugunitang noong 2010 ay nagkaroon ng madugong insidente sa labas ng Dela Salle University sa Taft Avenue, Maynila kung saan idinaos ang naturang eksaminasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply