2013 budget isusumite na sa Senado bukas

ISUSUMITE na bukas ng Kamara de Representantes sa Senado ang panukalang pambansang badyet sa susunod na taon na P2.006 trilyon.

Sa pamamagitan ng botong 195 laban sa anim na tutol, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang 2013 General Appropriations bill.

“We will immediately transmit this (national budget) to the Senate tomorrow,” ayon kay Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr.

Ayon naman kay Cavite Rep. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya Jr., chairman ng House committee on appropriations na ang 2013 budget ang kaniyang pangunahing trabaho bago pa niya iwan ang Kamara upang maging kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

“This is my last tour of duty at the House of Representatives (15th Congress),” ayon kay Abaya.

Naunang sinabi ni Belmonte na posibleng maratipikahan ang national budget sa December at upang ipadala kay Pangulong Noynoy Aquino upang ito ay maging ganap na batas.

Ang Department of Education (DepEd) ang may pinakamalaking alokasyon na P292.7 bilyon.

Sumunod sa DepEd ang Department of Public Works and Highways (DPWH), P152.9 bilyon; Department of National Defense (DND), P121.6 bilyon; Department of the Interior and Local Government (DILG), P121.1 bilyon; Department of Agriculture (DA), P 74.1 bilyon; Department of Health (DOH), P56.8 bilyon; Department of Social Welfare and Development (DSWD), P56.2 bilyon; Department of Transportation and Communications (DOTC), P 37.1 bilyon; Department of Finance (DOF), P33.2 bilyon at Department of Environment and Natural Resources (DENR), P23.7 bilyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply