2013 GA bill tinapyasan ng P22.4-B

TINAPYAS na sa 2013 General Appropriations bill ang P22.4 bilyong lump sum allocation sa ilalim ng Priority Social and Economic Projects Fund (PSEPF).

Ayon kay Cavite Rep. at Committee on Appropriations chairman Joseph Emilio Abaya, ang PSEPF ay ay direktang pahahawakan na sa mga ahensya ng pamahalaan.

Sa ngayon aniya ay naisumite na ng mga kagawaran sa Department of Budget and Management ang detalye ng mga proyekto.

Samantala, inoobliga naman ni House Speaker Sonny Belmonte na dumalo ang 287 mga kongresista para sa pag-apruba ng P2 trillion budget sa susunod na taon.

Pagkatapos mapagtibay sa Kongreso ay ipapasa na ito sa Senado at pinal ng maaprubahan sa Disyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply