2013 national budget maagang mailalabas

TIWALA ang pamahalaan na maaagang maipatutupad o mailalabas ang pambansang pondo para sa susunod na taong 2013.

Ang naagang paglalabas ng pondo ay inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Butch Abad bunsod ng maaagang pagsasabatas ng panukalang budget na nagkakahalaga ng mahigit P2-trilyon.

Ayon kay Abad, mas mataas ito ng mahigit 10% ngayong taon na mas makatutugon sa mga proyektong ipatutupad ng pamahalaan.

Partikular na paglalaanan ng pondo ayon kay Abad ay ang mga programa para sa pagsugpo ng kahirapan, edukasyon, at pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply