21 Pinoy seafarer na binihag ng Somali pirates, pinalaya na

MATAPOS ang halos walong buwan, masisilayan na ng 21 Pinoy seamen na binihag ang kani-kanilang pamilya makaraang pakawalan na ng mga pirata sa Somalia.

Ayon sa secretary general ng Seafarers Union of Kenya na si Andrew Mwangura, pinalaya ang mga Pinoy seafarer matapos magbayad ng ransom ang kompaniyang may-ari ng barko kapalit ang kanilang kalayaan.

Ang mga binihag na mga Pinoy ay tripulante ng Greek-owned bulk carrier na Free Goddess.

Sinabi naman ng isa sa mga pirata na nagpakilalang Mohamed, nasa $5.7 million ang halaga ng ransom na ibinigay sa kanila.

Samantala, sa ngayon ay papunta na ng sa Salalah, Oman ang Free Goddess para magpa-gasolina at crew change.

Sa ulat ng isang Somalia-based news site, kinubkob umano ng mga pirata ang “MV Free Goddess”, isang Greek owned at Liberia-flagged bulk carrier nitong Pebrero 7 habang naglalayag patungong Egypt galing ng Singapore.lulan umano sa barko ang mga steel cable.

Nabatid na pag-aari ng Free Seas Inc. ang MV Free Goddess at nagkakahalaga umano ang barko ng mahigit sa $8 million.

Maliban sa 21 seafarers ay patuloy pa ring hawak ng mga pirata ang 26 pang Pinoy crew members na sakay ng tatlong barko.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply