24 na ang patay sa bagyong Ofel

MULA sa sampu, biglang tumalon sa 24 ang iniwan na patay ng bagyong Ofel, ang lima rito na naunang iniulat na nawawala ay natagpuang patay, ayon sa ulat Sabado ng umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang 6 a.m. update, sinabi ng NDRRMC na ang 24 kaswalidad ay mula sa Southern Luzon, Bicol, Western at Eastern Visayas, at Region 12.

May siyam pa ang nananatiling nawawala habang 19 naman ang iniulat na nasugatan, dagdag pa ng NDRRMC.

Ibinalita rin ng NDRRMC na naapektuhan ng bagyong Ofel ang may 14,693 pamilya o 66,768 katao. Pero sa nasabing bilang, 3,382 pamilya o 15,243 katao lang ang kasalukuyang tumututuloy sa 97 evacuation centers.

Ang nasirang ari-arian ay tinatayang aabot sa P36,638,547.50 sa Southern Luzon at Bicol. May 22 kabahayan ang nawasak, habang 95 naman ang nasira.

Idineklara naman ang state of calamity ang Oriental Mindoro, Buug, Zamboanga Sibugay, Imelda, Zamboanga Sibugay.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply