24/7 help desk binuksan para sa mga Pinoy na apektado ng bagyo sa US

BINUKSAN na ng embahada at konsulada ng Pilipinas ang 24/7 help desk para sa mga Pinoy na apektado ng hurricane o super storm Sandy sa New York.

Nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa New York at Washington sa lider ng Filipino communities na daraanan ng super bagyo.

Maaaring tumawag ang duty officer sa Washington DC sa 202-368-2767 at sa New York naman sa 917-294-0196.

Nananatiling nasa ligtas na kalagayan umano ang mga Pilipino sa East Coast ng Estados Unidos sa kabila ng pananalasa ng super bagyo.

Sinabi ngayong umaga ni DFA Spokesman Raul Hernandez, na nasa loob ng kani-kanilang mga tahanan ang mga Pilipino sa US at tumatalima sa babala ng embahada.

Ayon kay Hernandez, wala pa silang natanggap na report na may nasaktang Pilipino sa malakas na bagyo.

Sa pagtaya ng DFA, mahigit 460,000 ang Pinoy na nakatira ngayon sa East Coast.

Inihayag pa ni Hernandez na mayroon ng precautionary measures at travel advisories ang mga Filipino authorities para sa kababayan sa East Coast ng Amerika.

Pinapayuhan ang mga kababayan na iwasan muna ang pagbibiyahe lalo na sa mga estado na sinasabing sentrong tatamaan ng bagyo.

Una rito, tiniyak din ng Philippine Consulate sa Estados Unidos sa pamamagitan ni Consul General Mario De Leon, na sa tulong social media ay nagkakaroon ng ugnayan o komunikasyon ang mga Pinoy community tungkol sa hurricane.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply