261 OFW mula Syria, darating bukas

DAHIL sa kaguluhan sa bansang Syria, nakatakdang dumating sa bansa bukas ng umaga ang 261 Overseas Filipino Wrkers (OFWs).

Batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) alas 8:00 bukas ng umaga dadating ang chartered  flight ng  Jordanian  aviation sakay ang 261 OFW repatriates mula sa Syria.

Ang pagsakay sa chartered flight ay inako naman ng International Organization for Migration ang upa sa  eroplanong  sasakyan  ng mga  Pilipinong ililikas bukas.

Limampu’t  apat (54) ing  iba  pang OFW ang nakatakadang dumating sa bansa sa mga susunod na araw  sakay ng Emirates Airlines.

Sa  ngayon, libu-libo pang Pinoy  workers ang naiipit sa gulo sa Syria na nakatakdang ilikas ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply