27 na patay; P55-M danyos sa agri, imprastraktura sa bagyong Ofel

UMAKYAT pa sa 27 ang iniwang patay habang P55 milyong halaga ng agrikultura at imprastraktura naman ang naitalang danyos sa pananalasa ng bagyong “Ofel”.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kanin ang umaga (Oktubre 28), ang may pinakamaraming namatay ay sa Region 4-B na may naitalang siyam na patay.

Pumapangalawa ang Region 4-A na may walong kaswalidad .

Sinusundan naman ito ng Region 12 na may lima; Region 5 at Region 7 na may tig-dalawa; habang isa lang sa Region 8.

Umaabot naman sa siyam ang patuloy na nawawala at 19 ang nasugatan.

Tinatayang 14,000 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhang pamilya dahil sa nagdaang sama ng panahon.

Sa ngayon, halos P55 million na ang sinasabing nasirang imprastraktura at agrikultura sa mga lugar na dinaanan ng tropical storm Ofel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply