27 aprub senatorial bet pwede pang mabawasan

BAGAMAT inaprubahan na sa insiyal na pagsala ng Commission on Elections (Comelec) ang kandidatura ng may 27 sentaorial bets ay maaari pa itong mabawasan ayon kay Commissioner James Jimenez.

Ito ay kapag mayroong maghain ng disqualificaction cases laban sa 27 kandidatong naaprubahan.

Bukod pa aniya rito ang posibilidad na may magbago pa ang isip at umatras sa kandidatura.

Sinabi ni Jimemenz na may hanggang sa Disyembre 21, 2012 pa para matiyak kung desidido talagang tumakbo ang mga ito sa senatorial race sa 2013 midterm elections.

Una ng inihayag ng Comelec sa isang resolusyon ng en banc ang pagbibigay ng “due course” o pag-apruba sa inihaing certificate of candidacy (CoC) ng mga kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) na sina Nancy Binay, Margarita “Tingting” Cojuangco, San Juan Rep. JV Ejercito; mga dating senador na sina Ernesto Maceda at Richard Gordon, Juan Miguel Zubiri, Zambales Rep. Ma. Milagros “Mitos” Magsaysay, at incumbent Senator Gregorio Honasan.

Maging ang kandidatura nina Paolo Benigno “Bam” Aquino IV at mga dating senador na sina Ana Consuelo “Jamby” Madrigal at Ramon Magsaysay, Jr. sa ilalim ng Liberal Party ay pinayagan na rin.

Pinahintulutan na ring makatakbo sa ilalim naman ng Nacionalista Party sina incumbent senators Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV at dating congresswoman Cynthia Villar.

Aprubado na rin ang kandidatura nina incumbent senators Loren Legarda at Juan Ponce Enrile Jr., na nasa ilalim ng Nationalist People’s Coalition, habang sa ilalim naman ng Ang Kapatiran ay sina John Carlos Delos Reyes, Marwil Llasos, at Rizalito David.

Pinayagan ring kumandidato sina Ana Theresia “Risa” Hontiveros ng Akbayan, Teodoro Casiño ng Makabayan, Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ng PDP-Laban, Aurora Rep. Juan Edgardo Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipino, at independent candidates na sina incumbent Senator Francis Joseph “Chiz” Escudero, dating MTRCB chairperson Mary Grace Llamanzares, Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn at retired General Ramon Montaño.

Ipatatawag naman ng Comelec ang 59 pang senatorial candidate sa Oktubre 18 at 19 sa ganap na 9:00 ng umaga upang alamin kung may kakayahan ang mga ito sa isang nationwide campaign para sa 2013 elections.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply