272 kaso ng HIV/AIDs naitala sa buwan ng Agosto

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 272 bagong kaso ng HIV-AIDS infections nitong buwan ng Agosto, 2012.

Bunsod nito, umakyat na sa 2,150 ang mga kaso ng HIV-AIDS cases sa bansa ngayong 2012.

Batay sa August 2012 HIV and AIDS Registry ng DOH, nabatid na ang naturang mga bagong kaso ng impeksiyon ay mas mataas ng 39 porsiyento kumpara sa 196 kaso na naitala noong Agosto, 2011.

Ang 253 porsiyento ng mga bagong kaso ay nahawa dahil sa pakikipagtalik habang ang 19 ay tinamaan naman ng sakit dahil sa pakikipag-share ng karayom sa paggamit ng illegal na droga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply