2nd honeymoon ng OFW at sundalo, naudlot

NAUDLOT ang ikalawa sanang “honeymoon” ng isang sundalo sa kanyang kararating pa lamang na mister na overseas Filipino workder (OFW) nang pigilan siya ng mga security officer ng pinasukang hotel dahil sa pagdedeposito ng dalang baril at granada kaninang umaga sa Pasay City.

Sa kabila ng pagpapakilala bilang sundalo at naipakita ang papeles sa kalibre .45 baril, nabigo naman si PFC Adonis Vicente, 29, nakatalaga sa 21st Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na ma-prisinta sa security officer ng Heritage Hotel sa kanto ng EDSA at Roxas Boulevard ang dokumento sa dalang granada kaya’t pinigilang makapag-check in sa naturang hotel alas-7:45 ng umaga..

Kaagad ding itinawag ng hotel security sa Pasay police station ang insidente at inimbitahan ang sundalo sa police station.

Sa imbestigasyon nina SPO3 Ronaldo Frades at PO3 Rodolfo Suquina Jr., ng Investigation Section ng Pasay police, kararating lamang mula sa Abu Dhabi ng asawa ni PFC Vicente kaya’t muli nilang itinakda ang pangalawa nilang pulo’t-gata sa naturang hotel

Napag-alaman na tanging memorandum receipt na may lagda ng isang Capt. Jasper Brix B Perez ng PA ang naipakitang dokumento ni Vicente kaya’t kinumpiska ng pulisya ang dala niyang MK 2 fragmentation grenade upang suriin ng Explosive Ordnance Division kung may kakayahan itong sumabog.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply