2nd win babarakuhin ng Energy Cola

TSANSA ng Barako Bull Energy Cola na makasalo sa top spot ng 2012-13 PBA Philippine Cup, ito’y kung tatalunin nila bukas ng gabi, (Oct. 10) ang may kalakasan sa line up na Petron Blaze Boosters.

Naisalba ng Energy Cola ang unang panalo kontra Air21 Express kung saan ay muntikan silang masilat dahil sa magandang laro na ipinakita ng huli.

Nagsosolo sa unahan ng team standings ang crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings hawak ang 2-0 win loss stale habang 1-0 karta ang tangan ng Barako Bull.

Nakatakda ang girian ng Energy Cola at Boosters sa alas siete trenta ng gabi na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum kung saan ay mauuna ang sultada ng Alaska Aces at Meralco Bolts sa alas singko kinse ng hapon.

Ibinandera ng Boosters ang kanilang top rookie Junmar Fajardo ng matalo sila sa Rain or Shine Elasto Painters, 86-102 at muli na naman nila itong ipagmamalaki laban sa Barako Bull upang masungkit ang unang panalo.

Isa sa Aces at Bolts ang uuwi ng may maililistang panalo dahil parehong silang lugmok sa una nilang laro at pangalawang salang lang nila ngayon sa season 38.

Natambakan ang Aces sa San Mig Coffee, 83-103 noong Biyernes habang ang Bolts ay muntik naman nilang talunin ang Talk ‘N Text Tropang Texters dahil natalo sila sa isang overtime period, 110-112 noong araw ding iyon.

Samantala, suspindido ang isang referee sa laban ng Gin Kings at Elasto Painters noong Linggo.

Matapos ma-review ang game ay nakita na may dahilan nga upang suspindihin si Jun Marabe na siyang tumawag ng foul kay Elasto Painter forward Gabe Norwood upang pumuwesto si Gin King point guard LA Tenorio sa free throw line.

Isa lang ang lamang ng Ginebra at naging tatlo ito, 97-94 ng isalpak ni Tenorio ang mahalagang libreng tira may 16.5 seconds na lang ang nalalabing oras sa final canto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply