3 bahay nasunog sa Caloocan

GALIT ang ilang mga residenteng nasunugan sa fire substation makaraang hindi agad naapula ang apoy sa Tagaytay street, Barangay San Jose, Caloocan City kaninang umaga.

Nabatid kay Porcello Sanchez Jr., isa sa may-ari ng tatlong bahay na nasunugan sa naturang lugar, nakita na lang niya na malaki ang apoy sa kwarto ng pamangkin bandang alas-9:30 ng umaga.

Sinabi pa ni Sanchez na agad siyang humingi ng tulong sa fire substation ng Caloocan City Fire Department subalit hindi nakarespunde agad dahil sira umano ang nag-iisa lamang nilang fire truck.

Dahil ditto, umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan bandang alas-9:52 na nang maapula ito.

Ayon pa kay Sanchez, ilang hakbang lamang ang layo ng substation sa naturang lugar.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply