3 ‘carnapper’ arestado sa Misamis Occidental

ARESTADO ang tatlong hinihinalang carnappers makaraang magsagawa ng checkpoint sa national highway ng Libertad, Misamis Occidental.

Nabatid na naaresto ang mga suspek na sina Jason Malasa, Jerry Roa at Rommel Abueva na nakuhanan pa ng .45 caliber pistol at mga bala.

Nakuha rin sa mga suspek ang sinasabing isang carnap vehicle na color gray na Strada pick-up na may plate number na TIY 645.

Kasalukuyang nakahimpil ang mga suspek sa Libertad Municipal Police Station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply